Dito muna ako tatambay. Ayoko muna kay martsingson, tanginang tao ‘yun eh.
Dito muna ako tatambay. Ayoko muna kay martsingson, tanginang tao ‘yun eh.
Ugh. More shits to come. You know, issues.
Siguro tama ‘yung nanay ko. Siguro masyado ko lang syang ginagawang sentro ng buhay ko. Siguro kasi no choice lang s’ya talaga kaya sa akin s’ya tumatakbo. Tama ‘yung nanay ko, mae-etsi pwera ako kasi may iba na s’ya.
“Maka-react ka naman sa nangyari, eh wala ka ngang ‘K’ sa kanya eh.” - Ate
Wala, masakit lang makarinig ng katotohanan na wala naman talaga ako sa kanya pero kung makapag-react ako sa mga nangyayari, daig pa na may relasyon sa pagitan naming dalawa. Oo, alam kong hindi tama kaso nag-expect ako.
Sus, pansarili ko na naman ‘yung iniisip ko. Hindi ko na naisip ‘yung side nya.
Bakit ba kasi ganun pa din ako mag-expect, knowing na alam ko ‘yung katotohanan na may makapal na pader sa pagitan namin, may sign pa na FRIENDS LANG pero hindi naman ‘yata nagbago ‘yung pagtingin ko sa kanya.
Bakit ba ang gago ko kapag nadi-disappoint?
Sayang lang ‘yung Ferrero. Hay.
Sorry ah, kasalanan ko lahat.
Heh, hindi ko alam kung anong dapat maramdaman sa nalaman ko, kung matutuwa ba ako o maiinis o malulungkot o ano. Ang unang pumasok lang kaagad sa isip ko, kailangang may gawin ako. Medyo mahaba pa naman ‘yung panahon na meron ako pero dapat makapag-umpisa na sa pagpa-plano.
Sana isang araw magkaroon ako ng lakas ng loob na itanong sa iyo kung ano ba talaga ang nangyari, at sana isang araw magkaroon ka ng lakas ng loob na sabihin sa akin yung totoong nangyayari at yung totoong dahilan. Ang hirap manghula, hanggang ngayon nag-iisip pa din ako ng mga posibleng bagay na nangyari.
Oo nga’t may sinabi ka sa akin dati, pero hindi ako kumbinsido na iyon nga talaga ang nangyari. Alam kong may iba pa.
Kalimutan muna natin yung pwedeng mangyari sa akin o yung pwede kong gawin. Gusto ko lang malaman yung totoo.
Please?
Wala lang, feeling ko lang may na-achieve ako. Nabawasan na ‘yung nararamdaman ko sa’yo, which is good. Natitiis ko na din na hindi ka kausapin at pansinin, which is good..again.
Parang ang sarap sa pakiramdam na wala na akong pake sa’yo, na unti-unti ka nang nagiging hindi importante sa buhay ko. Wala nang magpapahirap sa akin, haha! Pero seryoso, nahihirapan kasi ako sa’yo eh. Yung mga ginagawa mo sa akin, torture! Feeling ko nananadya ka lang talaga eh.
Kailangan kong mabigyan ng prize ‘yung sarili ko kapag nagpatuloy itong ginagawa ko.
Feeling ko pinapagtripan mo na lang ako. Ayoko namang pag-isipan ka ng masama pero sa pinapakita mo eh ganun ang lumalabas. Hindi din yata lingid sa kaalaman mo na mahal pa din kita, may gusto pa din ako sa’yo at gusto pa din kita makasama, pero ba’t parang masyado mong tine-take advantage ang weakness ko at saka mo ginagamit laban sa akin? Saklap, eh. Nag-sink in na sa akin na hanggang friends na lang tayo at kino-control ko na lang ang emotions ko at umaasa na lang ako na baka isang araw eh bigla na lang magbago ang ihip ng hangin. Sa mga sinasabi mo, na gusto mo lumabas, etc., nage-expect pa din ako na makakasama kita. Sa totoo lang sa lahat ng niyaya mo pinaghandaan ko iyon lahat, na maging okay ako sa paningin mo at hindi maging awkward ang actions ko. Pero ayun, palaging hindi na tutuloy at umaasa ako sa wala. Umaasa. Umaasa pa din. Ka-jirits.